Gusto Mo Bang Kumita Sa Internet
Nang Pa-Facebook, Facebook Lamang?
Click Here Now!
Freedom.
(Rizal is so Pinoy if he indeed made use of this form of wordplay.)
Imuthis, the Sphinx, comes to life and narrates his lifestory. His life is similar to that of Ibarra:
- Both studied abroad.
- Both got into trouble with the religious orders.
- Both had a foe who was a priest, who was in love with their girlfriend.
- Both had a girlfriend who was the daughter of a priest.
- Both “died” in a lake.
- Both their girlfriends were raped in a temple/convent by their enemy priest.
- Both returned to their country to seek revenge/justice.
- Both returned under a different identity: Imuthis became “The Sphinx” while Ibarra became “Simoun”.
What does Cambyses in the story of the Sphinx symbolize? It represents their failed government. To cover this fact up, both governments went after them.
How was the Sphinx set-up? Simoun is a good friend of Mr. Leeds. In the previous chapter, you’ll note that Simoun was nowhere to be found in the Quiapo fair. He probably slipped away early enough to set-up the tent, so that he can give Padre Salvi the scare of his life. Imagine, an old enemy of 13 years ago has come to life.
How was the image of the Sphinx produced? The mirrors were hidden in the legs of the table which supported the Sphinx. Perhaps Rizal was already thinking of holograms way back then?
Where did Mr. Leeds go after the show? He went straight to Hong Kong, just in case Padre Salvi decided to do something to Mr. Leeds.
Something tells me things are going to heat up around here…
Kabanata 18:
Mga Panlilinlang (Mga Kadayaan)
Nakipagkita si Ginoong Leeds sa grupo ng labindalawang tao,
at hinayaan niya silang suriin ang mga kagamitan sa kubol para sa Espinghe
(Sphinx). Inalaska niya ang duderong si Ben Zayb, sapagkat hindi natagpuan ni
Ben Zayb ang mga nakatagong salamin.
Binigyang buhay ni G. Leeds ang mga abo nang isinigaw niya
ang salitang: “Deremof!”
(Kapag iniba mo ang pagkasunod-sunod ng mga titik, makukuha
mo ang salitang Freedom, inggles para
sa Kalayaan.)
Siguro kung nag-Filipino si G. Leeds, ang isinigaw niya ay
Lanakayaa!
O kaya’y Laniraskan! (kasarinlan)
Muling nabuhay si Imuthis, ang Espinghe, at ikinuwento niya
ang kanyang talambuhay, na kahawig ng buhay ni Ibarra:
- Pareho silang nag-aral sa ibang bansa.
- Pareho silang nakabangga ang mga relihiyosong orden.
- Pareho silang may kaaway na isang pari na lihim na pinagnanasahan ang kanilang kasintahan.
- Pareho silang may kasintahan na anak ng isang pari.
- Pareho silang “namatay” sa isang lawa.
- Pareho silang may kasintahan na ginahasa ng kaaway nilang pari sa isang temple o kumbento.
- Pareho silang bumalik sa kanilang bansa upang maghiganti ang bigyan ng hustisiya ang mga naapi.
- Pareho silang bumalik na nagbabalatkayo upong maitago ang kanilang tunay na pagkatao: Si Imuthis ay naging “Espinghe”, habang si Ibarra ay naging “Simoun.”
Agad-agad nakita ni Padre Salvi ang pagkahambing. Na-gets niya.
Naramdaman niya na siya ang pinariringgan nung Espinghe nung
tinawag siyang isang mamamatay-tao. O siguro nabosesan niya ang tinig ni
Simoun?
Si Cambyses ay simbolo ng kanilang palpak na pamahalaan. At
para hindi kumalat ang kwentong ito, pareho silang tinugis ng kanilang mga
gobyerno.
Paano nga
ba naisaayos ang Espinghe? Dapat ninyong malaman na si Simoun ay matalik na
kaibigan ni G. Leeds. Sa naunang kabanata, mapapansin mo na hindi makita-kita
si Simoun sa perya ng Quiapo. Siguro ay maaga siyang umalis para maihanda niya
ang kubol upang masindak niya si Padre Salvi.
Isipin mo na lang kung ano ang mararamdaman mo kung ang iyong
kaaway na akala mo’y 13 taon nang patay ay biglang nabuhay muli!
Paano nila
naipakita ang misteryosong imahen ng Espinghe? May mga salaaming
nakatago sa mga paa nung lamesa kung saan nakapatong ang Espinghe. Mukhang
nakakaisip na nuon pa man si Rizal ng posibilidad ng mga hologram.
Saan
nagpunta si G. Leeds pagkatapos ng palabas? Tumuloy siya sa Hong Kong.
Mahirap na kasi at baka balikan pa siya ni Padre Salvi.
Mukhang painit nang painit ang takbo ng kwento…
Gusto Mo Bang Kumita Sa Internet
Nang Pa-Facebook, Facebook Lamang?
Click Here Now!